Ang hangin gahampang sa akon nga buhok
Samtang sa gawas ang mga bata nagakalipay
Ako nagahigda, naga-hunahuna
Sa mga kagahapon nga budlay liwaton
Mga kadlaw kag hibi nga hindi na mabatian
Waay ko mahimo, akon na lang ini dawaton, akon taguon
Kay sa karon nga mga tion
Waay na mas manami pa himuon kaysa magmalipayon sa mga paabuton
Tama na ang kahapon.
Samtang ako nagahigda kag ang hangin nagahampang upod ang mga bata...
Piliton ko magyuhom
Thursday, July 2, 2009
Wednesday, June 24, 2009
Ineng sa Padyak
Prinsesang nakasakay sa bakal na kabayo
Saan ka patutungo?
Suot ang buhok na bagong ligo
Mapaglaro sa iyong balikat, mapang-akit sa mga mata
Ineng, maaari bang iukit mo rin ang aking pangalan?
Katabi niyang rosas na pintados na sumisilip sa iyong likuran
Na payapang nakahimbing sa manipis mong balat
Mamula-mula, walang bahid ng kamalian
Ineng na nasa padyak, lumingon ka man lang sana
Nang masilayan mga matang tinatago
Huwag hayaang lumiko at baka hindi na magkatagpo
Para, dito lang ako...Ihahatid nalang kita, susuyuin mula sa malayo.

Monday, June 15, 2009
Pagpahuway Anay
Likod nakon sa kawayan nga salog
Kag ang hangin nagahuyop
Nagaagi sa buka nga dingding
Isa ka hapon nga malipayon
Duha ka mata nga katulgon
Ang pagbangon hindi gid mahimo nga isipon
Pabay-an nakon nga ako duyanon
Kanta sang mga pispis
Ako ila patulugon
Usog sa ido amo ang magbugtaw sa akon
Sa isa ka hapon ng hindi na maliwat
Pabay-an ko magpahuway ang kalag ko nga gihapo
Halin sa pagdalagan kag pagtumbo-tumbo

Monday, March 9, 2009
Himig ng Paglisan
Kapayapaan ang himig ng iyong dalampasigan
Matatamis na halik ng iyong alon
Hindi ko pinagsisihan
Naluha man ako sa kulay ng palubog mong araw
Alamin mong masaya ako sa aking pag-iyak
Kakaiba talaga ang pula at kahel
Na sumabog sa himpapawid kong asul
Nanibago ako
Nalunod ang aking puso
Damdaming umaapaw ibinuhos ko
Walang pagkukunwari kong
Pinakawalan ang mga ugat ng pag-ibig
Mula sa kaibuturan ng aking puso
Titigan mo ako sa mata
Tingnan mo ang nakikita ko
Ang dagat man ang nasa harap ko
Ang kapatagang luntian
Ang nasa kaluluwa ko
Patawad
Hindi ako marunong lumangoy
Ang pagtakbo lang ang alam ko
Tawagin mo akong duwag
Isigaw mong masama akong tao
Ngunit tinatawag na ako ng ihip
Na nagmumula sa mga puno
Ang hanging bumuhay
Sa tuyo kong mga labi
Ang hanging minsang iniligaw ako
Sa iyong baybayin
Sa aking pagtakbo
Huwag mong iwaksi sa iyong gunita
Ang ating gunita
Ang paghaplos ng buhangin
Sa aking binti
Ang paghele ng alon
Na nagpatulog sa akin
at nagpalimot sa galos ng kahapon
Maghintay ka lang at magpatuloy
Sa iyong pag-awit
Pasasaan ma'y darating din
Ang mangingisdang huhuli
Sa nakawala mong kaluluwa...

Wednesday, March 4, 2009
Nabili Ko Na Rin...
Nabili ko na rin ang inaasam-asam kong 55-250mm IS Canon Lens ko!:D Matapos ang apat na bwang paghahanap buhay ay nakapag-ipon ako ng sapat at kahapon nga'y nabili ko na ito:

Maraming salamat sa lahat ng naging daan para makapag-ipon ako ng sapat na halaga.:D
Salamat sa mga sumusunod:
Kay Ma'am Vida ng Davao Doctors Hospital, sa pagtiwala sa aking kakayanan.
Sa AIESEC, mga kaibigan ko, salamat sa pagtitiwala sa aking pagiging retratista.
Kay Ate lara, salamat sa pera at pagkain...hehehe
Kay TJ, ng TJ Garments, salamat sa downpayment...matatapos din natin to!:D
At sa mga nagdasal para sa akin, maraming salamat!
Sa aking mga kaibigan, salamat!
Saaking pamilya at higit lahat sa Diyos! Maraming salamat sa biyaya!:D

Monday, February 9, 2009
Balikat
Mistula akong bata
Naghahanap ng iyong kalinga
Nauuhaw sa iyong haplos
Nanginginig sa madilim na sulok
Ano na ang nangyari sa mga oras
Na tinutunaw natin ang araw
Gaya ng isang kandila
Nakasandal lang sa iyong balikat
Nagdadamot na ba
Ang dating mapagbigay na panahon
Lumalamig na ba ang likod mo
Na dating nagbabaga
Naniniwala ako sa iyo
Ilang beses mang mahulog
Ang aking ulo sa iyong balikat
Papanatag din tayo
Sasamahan mo rin ako
Sa madilim kong sulok
Hindi ako lalayo
Dito lang ako nakapako
Ingatan mo ang aking balikat
Naghahanap ng iyong kalinga
Nauuhaw sa iyong haplos
Nanginginig sa madilim na sulok
Ano na ang nangyari sa mga oras
Na tinutunaw natin ang araw
Gaya ng isang kandila
Nakasandal lang sa iyong balikat
Nagdadamot na ba
Ang dating mapagbigay na panahon
Lumalamig na ba ang likod mo
Na dating nagbabaga
Naniniwala ako sa iyo
Ilang beses mang mahulog
Ang aking ulo sa iyong balikat
Papanatag din tayo
Sasamahan mo rin ako
Sa madilim kong sulok
Hindi ako lalayo
Dito lang ako nakapako
Ingatan mo ang aking balikat
Saturday, January 24, 2009
Ang Pinakamalungkot na Gabi
Nakahiga ako sa aking kama, nakabaluktot
Tuhod sa labi, hinagkan ko ang aking sarili
Walang ibang naririnig kung hindi ang mga malalalim kong hininga
Anino ang natatanging kasama
Lumiliit ang espasyo bawat minuto
Tila ba masasarhan na ako sa pagpapatuloy nito
Sumisikip na ang aking mundo
Nananakit na ang aking puso
Ngayong gabi ang pinakamalungkot
Kaninang umaga ako’y masaya pa
haringpula 12.28.08

Ang Mangingisda sa Minamahal
Hindi ko magawang lisanin ka
Hindi ko kayang iwan na
At iwaksi ang mga kahapong
Pinagsaluhan, pinaghirapan
Tangay mo pa rin
Katauha’t puso ko
Maituturing mang bigo, napaso
Nariyan parin ang pag-ibig sa sulok, nakatago
Paano mo kalilimutan
Na ako’y naging tao para sa iyo noong minsan
Napadpad ang buwan sa kalangitang may araw
Maghahabulan hanggang sa may hangganan

Subscribe to:
Posts (Atom)